Pag-ibig sa lansangan
"Pag-ibig" ito ang matamis na salitang nag-uugnay sa bawat nilalang sa ibabaw ng mundong ito. Sabi nila ang salita ding ito ay dahilan ng pag-iyak ng bawat pusong nasasaktan na niloko at pinabayaan. Pero marami parin ang naniniwala sa mahikang dulot ng salitang ito. Ang sabi ng karamihan, pag ito'y iyong naranasan ang bawat araw mo ay magkakaroon ng kulay at buhay. Kahit mahirap ang sitwasyon nagiging magaan dahil sa alam mong ikaw'y may katuwang. Isang kwento ang aking nasaksihan sa lansangan kung saan binubuhay ng dalawang mag-irog ang aking pag-asa na totoong merong pag-ibig. Namulat ako sa pamilyang hindi kelanman na bigyan ng ibig sabihin ang matatamis na katagang iyon. Sabi nila ang mga anak ay bunga ng pagmamahalan. Pero ang alam ko, hindi lahat ng anak ay bunga nito. Isa ako sa mga buhay na halimbawa. Hindi ko kelanman nakitaan ng pagmamahal sa bawat isa ang aking mga magulang. Hiwalay sila ng ako na ay lumalaki. Kaya ako'y namamangha a...